Baket kaya ganun? Dumadating sa punto na halos wla ka nang masabi, wala
ka nang magawa kundi manahamik at itago ang iyong nadarama. Madaming
tao, kaibigan, kamag-anak, kapamilya pati na kapuso ang nagsasabi syo na
sbihin mo ang iyong isinasaloob, pero nde mo pa rin magawa. Parang
napakadali naman kasing gawin eh. Kung sila kaya ang nasa kalagayan mo
ngayon magagawa kaya nila yung mga sinasabi nila. Siguro yung iba sa kanila
kaya, pero hindi naman kasi ikaw sila eh. Iba ka, madaming bagay na
hindi mo pa kayang gawin pero sigurado ka namang madami din bagay na kaya
mong gawin na hindi nila kaya. Pero gayun pa man hindi yun ang solusyon
dito. Baket naman kasi hindi naging alerto nung umpisa palang. Hinayaan
na mangyari itong lahat. Kasi naman hindi mo alam na hahantong sa
ganito, ang alam mo hanggang dun lang un eh… pero ngayon nde na. Lumalala
na, hindi mo na mapigilan. Dumadating nga din sa punto na natutulala ka
na lang at mapapa-isip sabay tanong sa sarili ano ba ang pagkakamali
mo? ano bang nagawa mo? ano ang dapat mong gawin nagyon para maayos ulit
ang lahat? Pero hanggang isip ka na lang. Minsan nagsasawa ka na
kakaisip, pupunta sa ibang lugar pero hindi mo alam yung lugar na pupuntahan
mo ay ang lugar din na makakapagpapaalala syo nang iyong isinasaloob.
Syempre lilipat ka nang lugar, pero pagdating dun may makikita ka na
isang bagay na makakapagpaalala na naman syo. Ang hirap nang ganun, halos
wala kang ligtas. Gagawa ka ulit nang paraan, makikipag usap sa ibang
tao, magsisipag sa trabaho at maghahanap nang bagong libangan. Pero
pagkatapos makipag-usap sa ibang tao, pagkatapos nang trabaho, at
pagkatapos mong magalaro nang bagong libangan, pag nabakante ka na… siya na
naman ang nasa isip mo. Ayoko na! nahihirapan na ako… hindi ko na alam
pa yung dapat kong gawin. Hindi naman kasi ako makwento tulad nang iba,
hindi ko magawang mapatawa ka, hindi ako makapagbigay nang magandang
payo, at hindi kita matulungan sa lahat nang problem mo. Pero gayun pa
man kung kailangan mo nang isang taong makikinig sayo yung tipong
ibubuhos yung buong atensiyon niya syo, taong makakasama pag naramdaman mo na nag-iisa ka, taong aalalahanin ka sa lahat nang oras, sabihin mo lang
dahil ikakasaya kong matulungan at makasama ka. Pero pagnagsawa ka na,
sabihin mo lang lalayo ako. Layo na pede ko muling marining ang
iyong pagtawag sa akin. Nandito lang ako kung sakaling may kailangan.
Pasensiya na hindi ko magawang masabi nang diretso sa iyo… hindi ko magawang maamin ang lahat…